Ano ang Norifam?

• Ang NORIFAM ay 1 MONTH Combined Injectable Contraceptive ito ay naglalaman ng dalawang hormones, PROGESTIN AND ESTROGEN. Ang mga nasabing hormones na ito ay pinipigilan ang pag labas ng itlog sa obaryo ng babae. At pinakakapal din ng hormones ang cervical mucus upang mapigilan ang pagpasok ng sperm sa matris upang hindi magkaroon ng fertilization.

Saan available ang Norifam?

• Ang Norifam ay mahahanap sa mga piling Generika drugstores at sa mga OB-GYNE at RMW clinics. Pwede nyo rin tawaganan ang aming office sa (02) 288-0283 / 09338275956 o pwede din kaming I email sa amtolpharma2008@gmail.com para ma idirekta kung saan pwede bumili ng Norifam.



Kailan ini-inject ang Norifam?

• Ini-inject ang Norifam, sa unang araw ng iyong menstruation. Upang makasigurado na ikaw ay hindi buntis.
Paalala:Kung ikaw ay first time user, gumamit muna ng pregnancy test to ensure na hindi ka buntis.

Gaano katagal ang epekto ng Norifam?

• Isang Buwan.

Kung shifter ako galing sa ibang contraceptive katulad ng pills at 3 months injectable, kailan ako pwede mag pa inject ng Norifam?

• Maaari kang magpa inject ng Norifam kung kailan ang next schedule mo ng 3 months injectable, at kung pills user ka naman, maaari kang mag pa inject ng Norifam sa next palit mo ng pills.
Paalala:Kung ikaw ay first time user, gumamit muna ng pregnancy test to ensure na hindi ka buntis.

Pwede ba ang Norifam sa mga breastfeeding moms?

• Hindi namin nirerekomenda ang Norifam sa mga exclusively breastfeeding mommies, dahil ang Norifam ay mayroong content ng Estrogen na maaaring maging dahilan ng paghina ng supply ng milk. Ini-rereccomenda naming bumisita sa inyong OB-GYNE o RMW kung gusto niyong ituloy ang pag gamit ng Norifam para ma enjoy ang lahat ng benepisyo nito.

Ano ang mga epekto ng Norifam?

• Ayon sa ginawa namin post marketing survey, halos 9 sa sampung babae ang nag sabi na simula ng gumamit sila ng Norifam, sila ay nagkayron ng clearer skin, na enhance ang kanilang breast, at na maintain ang kanilang timbang.

Saan ako pwede magpa inject or magpa konsulta tungkol sa Norifam?

• Magtanong po sa inyong doktor o komadrona o kayaking tumawag sa (02) 288-0383.

Sino-sino ang pwedeng gumamit ng Norifam?

• Basta ikaw ay nasa Reproductive age, pwede kang gumamit ng Norifam at ma enjoy ang mga benepisyo nito!

Kailan babalik ang fertility pagkatapos gumamit ng Norifam?

• Babalik ang regular na menstruation pagkatapos ng 3 to 6 na buwan ng regular injections ng Norifam.